CI: *holds out an index card* 1/8 to di ba? eh pag 1/4 gano kalaki?
class: mas malaki po dyan.
CI: malamang.
class: hahaha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
aira: nanonood ka ba noon ng "fullhouse"?
liane: oo. ang ganda nun no. eh pag mexicans, gusto mo?
aira: oo. ung "rosalinda", ganun.
jihad: pag mexican naman kasi, kelangan sabihin ung buong pangalan. "luis fernando!"
kami: hahahaha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: so, pwede nio namang gawin yang drug study nio sa library. ilang drug handbook pala ang nandun?
class: dalawa lang po ata.
CI: baka pagpunta nio dun magkanda punit punit ung drug handbooks.
class: hahahaha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*katatapos magbasketball*
jihad: hala, may sugat pala ako. ikaw sean?
sean: oo may sugat din ako.
jihad: grabe, battlefield pala dun ah.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*si jovs nagpa-henna tattoo*
CI: ano yang tattoo mo? bakit, preso ka ba?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: saan na kayo nagduty?
BJ: sa OB ward, gyne, ortho..
CI: ay, dun pala kayo sa mga pinaka-kritikal no.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: dapat confident kayo sa pagrerecite. para pag case pres nio na, magaling kyong sumagot. siguro sa simula, merong nginignginig, himahimatay..
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*quiz*
CI: number 5 palang tayo. pero until number 50 yan.
class: whoa.
CI: mapagpaniwala talaga kayo.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: magseat work naman kayo. para makapagpahinga naman ang vocal cords ko. pag pinagdugtongdugtong mo lahat ng sinabi ko baka nakarating na sa tarlac.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: dapat alam mo kung kumain ung pasyente mo. pagkunwari, Biogesic yan, kahit sabi ni john lloyd na okay yan sa tiyan na walang laman, hindi pa rin pwede.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*attendance checking*
CI: *mabilis* mr. bangcolen, mr. buen, mr. bayang.. absent lahat yun, bakit walang sumagot?
sila: sir! sir! sir!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: abuse na pag parang hindi kumpleto ang araw pag hindi uminom ng gamot na un. parang pagligo at pagkain na laging ginagawa ung pag-inom ng gamot na un. pero pag hindi naman talaga kayo kumakain at naliligo, iba na un.
class: hahahaha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: sinong mga naninigarilyo dito?
class: *blink blink*
CI: sinong mga sunog baga dito?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: sino dito ang nagda-drive?
class: *blink blink*
CI: nagda-drive? i suppose car, hindi kariton, hindi tangke. o baka eroplano pa.
class: *blink blink*
CI: okay. kasi may mga driver kayo no?
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: alcohol stays in the body for less than a day, depende pa rin yan sa dami. pero pag isang galon yan ewan ko na lang.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: inhalants. like paint thinner. gustong gusto yan ni miss john kasi malapit sia sa pader.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*quiz*
CI: what do you call the drugs that can be bought from the drugstore even without prescription? hindi sia libre ha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: kelangan ko ng marker. kunin mo nga sa table ko.
froilan: saan po ang table nio dun?
CI: basta tignan mo ung pinakamaganda, pinakamaayos at pinakamalinis na table..
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: narinig nio na ba ung steven-johnson syndrome? familiar ba? narinig nio na?
class: *blink blink*
CI: oo kasi sinabi ko.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
girl: sir paano pag mali ung sagot pero tama ung solution?
CI: pano nangyari un? patingin nga.
girl: sige na po sir. kahit two points lang para sa effort.
CI: eh pano yan, sa board exams wala nang effort effort dun, kahit mamatay ka man sa kaka-effort, wala pa rin.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: meron tayong tinatawag na pallor, callor tsaka dollor. ano ang dollor?
girl: pain.
CI: oo tama. kaya pag dolores ang pangalan mo, pasakit ka lang.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
fred: pahingi naman nian. *oil blotting sheets* para saan ba to?
liane: para maabsorb ang oil.
fred: *puts on face* wala naman.
vielle: baligtad.
fred: hala.
vielle: naniwala ka naman. hahaha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*kumakain ng halo halo*
fred: wala to sa halo halo sa mankayan. may macaroni pa.
karen: magtaka ka kung ung pasta, ng spaghetti.
vielle: tas pansit no.
fred: tas siomai. haha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
karen: nung natulog ako kina joey, suot ko pa tong contact lens ko. buti walang nangyari sa mata ko.
vielle; baka hindi ka umabot sa REM sleep.
karen: oo ata.
fred: REM sleep? di ba un ung mabagal na paggalaw ng mata.
vielle: anong mabagal? kaya nga rapid eh. rapid eye movement. as in mabilis!
fred: sorry naman po. un kasi ung naaalala kong itinuro sa amin eh.
vielle: hay naku. sinisira mo lang ang stock knowledge ko.
fred: okay fine.
karen: parang sinabi ko lang na natulog ako nang naka-contact lens a, umabot na kayo sa ganyang usapan.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
CI: pag bababa kayo sa lowlands.. siyempre hindi ka naman aakyat sa lowlands..
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
jihad: ganun talaga ang mga lalake. naturally lazy.
sean: enjoy life. its gonna end anyway. hahahahaah.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*12:00 noon*
sean: silipin mo tong sugat ko. nagbulge pa o.
liane: eww.
sean: tas kakain tayo no. hahahahahah.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
liane: parang asteeg maging pathologist no. ung nagpe-perform ng autopsy.
sean: oo, pero mahal.
liane: aviation pag nag-pilot di ba? mahal din un?
sean: oo a.
jihad: ako, pinangarap ko kasing maging tindero ng taho eh.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
jihad: inoperahan ako noon eh.
sean: ay o? saan?
jihad: sa utak. binuksan ung utak ko, tas sabi ng mga doktor, "matalino tong batang to a. palitan nga natin ang utak nia."
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
jihad: u're in pain.
sean: no. just reviewing. same as being in pain.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*tinanggal ang bonet*
jihad: nakakahiya naman sa inyo. kumakain tayo tas naka-bonet ako.
jovs: hindi. kami nga ung nahihiya eh. kumakain nang hindi naka-bonet.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
jihad: sira yang mouse ko.
sean: bakit?
jihad: nahigaan ko kagabi eh.
sean: hindi mo ba naramdaman?
jihad: pag tulog kasi ako, no feelings.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
jihad: alam nio ba kung ano ang 123?
terrence: oo. ung hindi na magbabayad sa jip di ba?
jihad: eh ung 123 456?
karla: ano naman un?
jihad: ung hindi ka na nga nagbayad, sasabihin mo pang, "manong, ung barya ng P20?"
kami: hahahahahahha.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*kanteen*
manang: ikaw ung nagyupi nitong kutsara no?
fred: hala, hindi po ako.
manang: ikaw. kayo ung nakaupo dito kanina eh.
fred: pramis po. its not me. its not my family.
joey: in my head. in my head.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*nabali ung chalk habang nagsusulat*
aira: ay!
CI: okay lang. hindi nakamamatay.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
No comments:
Post a Comment